Pagbabayad ng business tax, permit at iba pang bayarin sa Valenzuela palalawigin matapos ang ECQ

By Erwin Aguilon April 14, 2020 - 12:26 PM

Inaprubahan na ng Sangguniang Panglunsod ng Valenzuela ang pagpapalawig sa pagbabayad ng real property at transfer tax sa lungsod.

Base sa inaprubahang ordinansa ng Valenzuela City na pirmado ni Mayor Rex Gatchalian, magkakaroon ng 30-araw na extension ang pagbabayad ng RPT at transfer tax para sa unang quarter ng taon.

Nakasaad dito na ang 30-araw na extension ay magsisimula oras na alisin na ang pinapairal na enhanced community quarantine sa Luzon.

Bukod dito, palalawigin naman ng dalawampung araw ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pagbabayad ng renewal ng business tax, business permit, business licence at iba pang bayarin sa lungsod.

Ayon sa ordinansa ng lungsod, dalawampung araw na ie-extend ang pagbabayad makaraang alisin o imodified ang umiiral na ECQ sa Luzon.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, real property, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, transfer tax, Valenzuela City, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, real property, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, transfer tax, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.