Fil-Am sa New York namatayan ng nanay at kapatid sa loob lang ng isang araw dahil sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 12:21 PM
Sa loob lamang ng isang araw ay pumanaw ang ina at kapatid ng isang Fil-Am na naninirahan sa New York City dahil sa COVID-19.
Kwento ng Fil-Am na si Lloyd Torres, pumanaw ang 73 anyos niyang ina na si Lolita at 47 anyos na nakababata niyang kapatid na si Louis.
Ang mag-iina ay naninirahan sa Briarwood, Queens sa New York.
April 1 nang kapwa maospital ang mag-ina.
Pareho din silang nagkaroon ng pneumonia habang ginagamit sa COVID-19.
Si Lolita ay Filipino immigrant sa New York.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.