Presyo ng tokwa,  toyo at mais, posibleng tumaas-DA

By Jay Dones February 11, 2016 - 04:32 AM

 

gm-soybeansNagpahayag ng pangamba ang isang opisyal ng Department of Agriculture sa posibilidad na magkaroon ng kakapusan sa suplay ng soya beans at mga poduktong gawa dito sa oras na pagtibayin ng Korte Suprema ang ban sa importasyon ng genetically modified na uri nito.

Ayon kay Saturnina Halos, chair ng Biotech Advisory Team ng DA na ang December ruling ng SC na nagpapawalang-bisa sa Administrative Order No. 8 series or 2002 ay magpapataas din ng presyo ng mga produktong galing sa soya beans.

Ang Administrative Order ay magpapataw sana ng kaukulang regulasyon sa importasyon  sa mga halaman at mga plant products na ginawa sa pamamagitan ng modern biotechnology.

Gayunman, nagpalabas ng desisyon ang SC na nagpapawalang-bisa sa pagpasok sa bansa ng mga genetically modified organism.

Paliwanag ni Halos,  sakaling hindi paboran ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng iba’t –ibang grupo posibleng mahirapan ang bansa na maghanap ng mga supplier ng soya beans at mais na hindi genetically modified.

Ang Pilipinas aniya ay nag-aangkat ng 98 porsiyento (98%) ng soybean supply nito mula sa mga bansa na ang produkto ay pawang mga GM na tulad ng Brazil, Argentina at Canada.

Sakaling ipagbawal na ang pagpasok sa bansa ang mga genetically modified crops, posibleng tumaas ng hanggang 20 porsiyento (20%) ang mga produktong gawa mula sa soya beans tulad ng toyo at tokwa o tofu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.