4 na Pinoy na nagtatrabaho sa National Health Service ng United Kingdom pumanaw sa COVID-19

Isa pang Filipina nurse ang pumanaw sa London.

Ang 60 anyos na si Malujean Ballesteros ang ikaapat nang Filipino na nagtatrabaho sa National Health Service ng United Kingdom.

Pumanaw si Ballesteros sa St. Mary’s Hospital sa Paddington ilang araw matapos ma-admit doon noong Biyernes.

Maliban kay Ballesteros tatlong Pinoy na nagtatrabaho sa NHS ang pumanaw din kamakailan.

Ang nurse na si Leilani Dayrit, 47 at nagtatrabaho sa St. Cross Hospital ay pumanaw noong April 7.

Pumanaw din ang dalawang hospital porters na sina Oscar King Jr. at Elbert Rico dahil sa COVID-19.

Read more...