PAGCOR nag-remit ng dagdag na P6B sa pamahalaan
Matapos na makapag-remit ng P20.5 billion sa gobyerno ay nagdagdag pa ng P6 billion ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang dagdag na nai-remit na halaga ay tulong sa effort ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.
Ang P6 billion na dagdag na nai-remit ay direkta sa Socio-Civic Funds Project (SCFP) ng Office of the President (OP).
“On March 24, PAGCOR turned over P6 billion to OP, in addition to the P2 billion and P500 million remittances that were released on March 11 and March 1, respectively. These were on top of the P12 billion cash dividends that PAGCOR remitted to the National Treasury on March 23, 2020,” ayon sa PAGCOR.
Sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo ang remittances ng PAGCOR sa OP ay para matugunan ang funding requirements ng pamahalaan habang nakadeklara ang State of Public Health Emergency sa bansa.
“The recent remittance to OP is pursuant to PAGCOR’s mandate to allocate its earnings to finance infrastructure and socio-civic projects,” ani Domingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.