East Avenue Medical Center itinangging sa kanila kuha ang viral video na napapakita ng mga cadaver bags sa sahig

By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 10:40 AM

Itinanggi ng East Avenue Medical Center na kuha sa kanilang pasilidad ang kumakalat na video sa Facebook na may mga nagkalat na cadaver bags sa sahig.

Nagpadala ng liham ang ospital kay DOH Usec. Gerardo Bayugo para pabulaanan na ang video ay kuha sa loob ng EAMC.

Ayon sa liham, ang floorings at s at furnishing sa video ay iba sa kanilang ospital.

Marami ring katawan na nakita sa morgue sa video, gayung ang morgue ng EAMC ay limang bangkay lang ang kapasidad.

Ayon sa EAMC, ang mga bangkay na hindi na kumakasya sa morgue ay inilalagay sa cadaver bags at saka inilalagay sa stretcher hindi gaya ng nasa video na nasa sahig ang mga bangkay.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, East Avenue Medical Center, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral video, covid pandemic, COVID-19, department of health, East Avenue Medical Center, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.