AFP pursigidong i-neutralize ang mga armadong gurpo sa Mindanao para hindi maka-panggulo sa Eleksiyon

By Ruel Perez February 10, 2016 - 08:55 PM

restituto padilla afpPursigido ang Armed Forces of the Philippines na lansagin ang mga armadong grupo sa Mindanao sa lalong madaling panahon.

Ito ay ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla para matiyak na hindi makapanggugulo ang mga ito pagsapit ng halalan sa Mayo.

Kaya naman puspusan aniya ang operasyon ngayon ng militar sa ilang mga piling lugar sa Mindanao na pinamumugaran ng mga armadong grupo at mga lugar na madalas nilang takutin ang mga residente.

Kabilang sa mga grupong target i-neutralize ng militar ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Abu Sayyaf group.

Aminado rin si Padilla na ang presensiya ng mga pribadong armadong grupo ang isa sa malaking hamon sa kanila para masigurong magiging mapayapa ang gaganaping eleksyon sa Mayo.

TAGS: 2016 elections, 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.