Social Amelioration Cards ipinamahagi na sa QC

Sinimulan na ang pamamahagi ng Social Amelioration Cards sa Quezon City.

Sa ilalim ng Social Amelioration Program ng gobyerno, mabibigyan ng P8,000 tulong pinansyal ngayong buwan ang mga pamilyang nasa informal sector na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa Quezon City LGU, pagkatapos masagutan ang ipamimigay na form, kukulektahin ang mga ito at isusumite sa DSWD para maberipika.

Babantayan din ng DSWD ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.

Ang mahigit P3 bilyong tulong pinansyal na hinati sa bawat distrito at barangay ay inilaan para sa 377,584 na pamilya.

Mas mababa ito sa kabuuang tinatayang bilang ng pamilya na kwalipikado para sa programa sa lungsod.

Umapela na ang QC LGU sa DSWD na mabigyan sila ng karagdagang pondo para matulungan ang ibang kwalipikadong pamilya.

Bukod sa SAP ay tiniyak naman ng QC LGU na tuloy ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga residente sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs.

 

 

 

 

Read more...