WATCH: Sitwasyon sa Blumentritt Market sa Maynila

By Chona Yu April 14, 2020 - 08:39 AM

Normal at tila walang umiiral na enhanced community quarantine sa bahagi ng Blumentritt Market sa Maynila.

Sa video at mga larawan na kuha ng Radyo inquirer, puno ng tao ang palengke.

Mayroon namang nagbibigay ng paalala sa labas ng palengke at sinasabihan ang mga residente na isuot ang kanilang quarantine pass para makapasok ng palengke.

Kinukuhanan din ng temperatura ang bawat pumapasok sa palengke.

Pero sa dami ng tao sa palengke, halos hindi na masunod ang isang metrong distansya sa bawat isa.

Sa pagtaya ng mga otoridad ay nasa 5,000 ang tao sa palengke ngayong umaga ng Martes.

May mga nakumpiska ring pekeng quarantine pass na natuklasang zerox copy lamang.

https://www.facebook.com/radyoinquirer990/posts/4055080881183892

https://www.facebook.com/radyoinquirer990/posts/4055082171183763

TAGS: blumentritt market, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social distancing, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, blumentritt market, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social distancing, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.