Mahigit 1,800 na Pinoy seafarers nakauwi ng bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 08:18 AM

Patuloy ang repatriation ng pamahalaan sa mga Filipino seafarers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kahapon April 13 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng mga Pinoy seafarers na nakauwi sa bansa.

Sa maghapon kasi ay umabot sa 1,802 ang nakauwing seafarers.

Mula sila sa 10 magkakaibang cruise ships sa US at Brazil.

Umuwi sa bansa ang mga Pinoy sakay ng 6 na flights.

Sa mga susunod na araw ay mas maraming Filipino seafarers pa ang darating.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Filipino Seafarers, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Filipino Seafarers, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.