2 COVID-19 patients sa Maynila dinala na sa Ninoy Aquino Stadium
By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 08:03 AM
Dalawang COVID-19 patients sa lungsod ng Maynila ang dinala na sa quarantine facility sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang nasabing mga pasyente ang unang COVID-19 patients na nailipat sa bagong bukas na pasilidad.
Galing sila sa Manila Health Department.
Sakay ng ambulansya ay inilipat ang mga pasyente sa Ninoy Aquino Stadium.
Binuksan ang Ninoy Aquino Stadium para tumanggap ng COVID-19 patients.
Hinati ito sa tatlong section at pagsasama-samahin ang mga pasyente depende sa kanilang sintomas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.