Nanay ni Karl-Anthony Towns ng Timberwolves pumanaw sa COVID-19

Pumanaw sa COVID-19 ang ina ni Minnesota Timberwolves center Karl-Anthony Towns na si Jacqueline Towns.

Sa statement ng koponan, sinabing April 13 nang pumanaw ang nanay ni Towns.

Mahigit isang buwan umano nitong pinaglabanan ang COVID-19.

Noong March 25 nag-post ng video sa kaniyang Instagram si Kar-Anthony Towns at sinabing positibo sa COVID-19 ang kaniyang ina.

Hinimok din ni Towns ang publiko na maging maingat at serysohin ang mga alituntunin ng pamahalaan para malabanan ang sakit.

 

 

 

 

Read more...