Pangulong Duterte kinontra si Locsin sa pagtutol nito sa deployment ban sa Pinoy health workers

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa nais ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na alisin ang umiiral na deployment ban sa mga health workers ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang televised address sinabi ng pangulo na pwedeng pabalikin sa trabaho ang mga Pinoy health workers kung wala nang pandemic.

Una dito ay binatikos ni Locsin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil nagpatupad ito ng ban sa mga health worker na aalis ng Pilipinas patungo sa pinagtatrabahuhan nilang bansa.

Ayon sa pangulo mas mabuting manatili muna sa bansa ang mga Pinoy.

Pero sinabi ng pangulo na OK lang sa kaniya kung talagang mas nais ng mga Pinoy health worker na manilbihan sa ibang bayan.

“Hindi ko sinisisi. Hindi ako galit. Wala akong emotions actually about this. But kung gusto ninyong magsilbi sa ibang bayan, sa ibang tao, okay lang sa akin. Ito lang tandaan mo: Pagdating ng panahon kung maghirap kami — hindi natin alam ngayon eh, pa-increase nang pa-increase, first wave ba ito? — kayo na mag-intindi,” ayon sa pangulo.

Read more...