Aabot sa 100 mayors at 500 pang mga lokal na opisyal ang inireklamo sa Office of the Ombudsman ng paglabag sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Batay sa animnapung magkakahiwalay na reklamo ni National Solid Waste Management Commission chief Romeo Hidalgo, sinabi nito na nagkaroon ng sabuwatan sa pagitan ng mga mayors, vice mayors at konsehal para sa pagkakaroon ng open dumpsites sa kani-kanilang lugar.
Taong 2013 nang simulan ng Enviromental Ombudsman at Department of Environment and Natural Resources ang nationwide campaign para hikayatin ang mga LGUs na sundin ang naturang batas.
Base sa ulat ng DENR sa Ombudsman, nasa 350 na LGUs sa buong bansa ang lumalabag sa batas at ang mga reklamo ay hahawakan ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquero.
Kanina sa ceremonial filing ng mga reklamo ay dumalo ang ang principal author ng batas na si Sen. Loren Legarda.