ECQ ginagamit para malibre ang pagbabayad ng fees at duties sa pier

By Erwin Aguilon April 13, 2020 - 03:10 PM

Ginagamit umanong dahilan ng consignees o shippers ng mga kargamento ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para i-waive ang kanilang mga karampatang fees and duties bago ilabas ang cargo sa mga port partikular na sa Maynila.

Sinabi ng source sa pantalan, naiintindihan nila na bumagal ang movement ng cargo dahil sa umiiral na ECQ subalit nadiskubre nila na ginagamit lang ito kaya nade-delay ang paglabas ng mga container vans sa port.

Subalit malinaw anila ang direktiba ni Pangulong Rodrogo Duterte hanggang sa IATF sa lahat ng concerned departmento tulad ng DOF, DOTr, DILG, PNP, AFP at maging sa BOC na “there should be an unhampered/unimpeded flow of cargo”.

Tingin pa niya, mukhang nakakita ang mga consignee ng oportunidad para makaiwas ng taripa at binabalik sa gobyerno ang problema para makakuha ng special accommodation habang ang iba umano ay sinasadya pa na hindi na kumilos at kunin ang kanilang cargo para iba forfeit sa gobyerno at pagkatapos ay dun na lamang aaregluhin.

Ang iba naman umano ay baka nais na iwan ang cargo sa pier dahil wala sila sariling storage o depot kaya pakiusap nito sa BOC na huwag na kunsitihin ang mga ganyan.

Tanong naman ng source bakit nagda-down pa ang computer system nila sa kasagsagan ng panawagan na ilabas ang mga kargamento at sa gitna ng isyu ay mayroong biglang nag-tweak ng E2M importation Assessment system na mukha umanong sabotahe.

Dahil dito, kaya nakiusap ang source sa mga shippers consignees, truckers at iba pa na malaki ang papel para maibsan ang pagbara ng mga port na ayusin nila at makipagtulungan sa gobyerno at huwag manamantala at sumuporta na lamang dahil nakasasalalay dito ang health ng ekonomiya.

Nauna na rin nanawagan si DOTr Secretary Arthur Tugade at Philippine Ports Authority sa mga cargo shipper at consignee na alisin na ang kanilang overstaying cargoes dahil sa nagsisikip na sa ports of Manila na umaabot na sa 90% ang yard utilization nito na siyang dahilan hindi lamang ng limitadong galaw ng mga cargoes kundi nagreresulta sa delays ng cargo delivery kaya naapektuhan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin na hindi dapat mangyari.

TAGS: dotr, enhanced community quarantine, pantalan, Sec. Arthur Tugade, dotr, enhanced community quarantine, pantalan, Sec. Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.