Anak ni SMC President Ramon Ang na si Jomar Ang, pumanaw na

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 11:21 AM

Pumanaw na si Jomar Ang isa sa mga anak ng negosyanteng si Ramon Ang.

Sa pahayag ng mag-asawang Ramon at Tessie Ang na ipinadala sa media pumanaw ang anak nilang si Jomar noong Sabado, April 11, 2020.

Hindi naman idinetalye ng pamilya Ang kung ano ang dahilan ng pagkasawi nito.

Nagpasalamat naman ang mag-asawang Ang sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanila.

“We appreciate all the kind thoughts and prayers. Thank you for being with us during this difficult time,” ayon sa pahayag.

Noong January 2020 ay napaulat nang isinugod sa St. Luke’s Medical Center si Jomar Ang at kritikal umano ang kondisyon nito.

Kahapon, April 12 ay nagsagawa na ng private service para sa nakababatang Ang.

“Jomar was a dutiful, loving, and kind-hearted son, brother, and a loyal and dedicated friend to many. He was a source of great joy to us and we are truly blessed to have had his love and presence in our lives,” ayon pa sa pahayag.
\

TAGS: BUsiness, Inquirer News, jomar ang, PH news, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, jomar ang, PH news, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.