Lisensya ng isang bastos na jeepney driver, sinuspinde na

MOTORING/SEPTEMBER 9,2012 LPG JEEPNEY (MOTORING) ARNOLD ALMACEN/INQUIRER
ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Dahil sa iba’t ibang kadahilanan, sinuspinde na ng Land Transportation Office ang lisensya sa pagmamaneho ng jeepney driver na inireklamo ng isang bulag na lola.

Sa utos ni LTO chief Roberto Cabrera III, tatlong buwan na hindi maaaring magmaneho o pumasada si Carlos Sumugat bunsod ng ipinataw sa kanya na preventive suspension.

Ipinasusuko din ni Cabrera kay Sumugat ang lisensya nito sa kanyang tanggapan.

Ang hakbang na ito ng ahensiya ay base sa mga reklamong reckless driving, paniningil ng sobra sa pasahe, bastos, arogante at pagtanggi na magbigay ng senior citizen’s discount kay Lola Rosa Domingo.

Magugunita na unang inireklamo ni Lola Rosa si Sumugat sa LTFRB dahil sa pagpapababa sa kanila ng kanyang apo nang makipagtalo siya dahil sa hindi pagbibigay sa kanya ng diskuwento at sa halip ay siningil pa ng sobra sa regular na pasahe.

Kanina sa pagharap naman ni Sumugat sa pagdinig sa LTFRB, inamin nito ang pagkakamali at humingi ng paumanhin kay Lola Rosa sa katuwiran na mainit lang ang kanyang ulo ng sandaling iyon.

Ngunit ipinunto ni LTFRB Board Member Ariel Inton na hindi dahilan ang init ng ulo sa pagmamaneho para mambastos ng matanda lalo na ito ay mayroon pang kapansanan.

Read more...