DOH bibili ng mas maraming test kits
By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 10:15 AM
Sa susunod na tatlong linggo bibili ng mas maraming COVID-19 test kits ang Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sapat pa sa ngayon ang testing kits sa bansa, pero bibili ang pamahalaan ng mas marami pa.
Ang pondo ay mula sa inaprubahang Bayanihan Act.
Una nang tinarget ng DOH na makapagsagawa ng 3,000 COVI-19 tests kada araw simula bukas, Apr. 14.
Sa susunod pang mga araw ay target ng DOH na maitaas pa ito at maging 8,000 hanggang 10,000 kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.