East Avenue Medical Center gagamit ng refrigerated container vans para sa mga hindi nakukuhang bangkay

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 09:34 AM

Gagamit na rin ng refrigerated container vans ang East Avenue Medical Center para paglagyan ng mga nasasawi sa naturang ospital.

Ito ay para matugunan ang madaming bilang ng mga bangkay na hindi agad nakukuha ng kanilang mga kaanak.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na malalaking container vans ang gagamitin para paglagyan ng bangkay.

Limang bangkay lang ang kapasidad ng morgue ng naturang pagamutan.

Nakikitang problema ng DOH sa pag-claim sa mga bangkay ay ang umiiral na lockdown, kawalan ng sapat na salapi ng mga kaanak ng namatay at maging ang kawalan ng puneraryang magseserbisyo.

 

 

TAGS: East Avenue Medical Center, Health Sec. Francisco Duque, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, refrigerated container vans, Tagalog breaking news, tagalog news website, East Avenue Medical Center, Health Sec. Francisco Duque, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, refrigerated container vans, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.