Mga nagpapatrulyang tauhan ng Coast Guard nag-ambagan para makapagbigay ng tulong-pinansyal sa mga mangingisda sa Davao Gulf

Kahit sa maliit na pamamaraan ay ninais ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na matulungan ang mga mangingisdang apektado ang kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine.

Nag-ambag-ambag ang mga nagpapatrulyang tauhan ng BRP Cape San Agustin para mabigyan ng maliit na halaga ang halos 40 na mangingisda sa Davao Gulf.

Bawat mangingisda ay nabigyan ng tig-P500.

Pinaalalahanan ng Coast Guard ang mga mangingisda na bantayan ang kanilang kalusugan at agad humingi ng tulong sa mga otoridad kung kinakailangan.

Read more...