RITM, Epidemiology Bureau, pinaglalabas ng ulat sa trend ng COVID-19 cases
Inatasan ni Health Sec. Francisco Duque ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Epidemiology Bureau para mag-report tungkol sa trend ng COVID-19 cases.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Duque na ang report tungkol sa COVID-19 trend ay gagamitin ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Disease para sa rekomendasyon na ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ay hindi pa masasabi ng DOH kung pababa na ba ang trend ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Malalaman ito sa sandaling makapaglabas na ng ulat ang RITM at ang Epidemiology Bureau.
Kahapon naitala ng DOH ang pinakamaraming bilang ng nasawi at recoveries sa loob ng isang araw.
May nadagdag na 50 panibagong bilang ng nasawi at 40 panibagong bilang ng gumaling sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.