Pero sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi naman lahat ito ay nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon kay Duque, 14 lang sa 51 katawan ang pumanaw sa COVID-19 habang ang iba ay pumanaw dahil sa ibang sakit.
“Dumating sa punto na 51 ang patay, 14 doon ay COVID-19 positive,” ayon kay Duque.
Pero kahapon sinabi ni Duque, 11 bangkay na lamang ang nasa East Avenue at 2 lamang dito ang na-claim ng mga kaanak.
Muli ay inulit ni Duque na hindi totoong patung-patong ang mga bangkay sa East Avenue Medical Center.
Sa halip ay maayos na nakalagay sa cadaver bag at nasa stretcher ang mga ito.
“Madali lang naman sana na tumawag sa akin, at madali ko sanang naipaliwanag. Wala pong utos ang DOH na itigil ang pag-uulat ng COVID death. Wala pong naging ganong kautusan,” dagdag pa ni Duque.