Sec. Briones nag-negatibo na sa COVID-19 sa panibagong test
By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 08:24 AM
Negatibo na sa COVID-19 si Education Secretary Leonor Briones.
Ayon kay Briones matapos ang panibagong test na ginawa sa kaniya, ipinaalam sa kaniya ni Health Sec. Francisco Duque III na negatibo na ang resulta.
Sa ilalim ng proseso ng DOH, dalawang beses na kailangang mag-negatibo sa test ang isang COVID-19 patient bag maideklarang siya ay naka-recover na sa sakit.
Noong April 8 ay inanunsyo ni Briones na nagpositibo siya sa COVID-19.
April 2 nang siya ay kuhanan ng test at April 8 lumabas ang resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.