PBA bibigyan ng tulong si Nelson Asaytono matapos atakihin sa puso

Magbibigay ng pinansyal na tulong ang PBA kay PBA legend Nelson Asaytono matapos itong magkaroon ng heart attack nitong Holy Week.

Nakarating na kay PBA Commissioner Willie Marcial ang kalagayan ni Asaytono.

Magtutulong-tulong ang PBA at ang mga manlalaro nito para matiyak ang mabilis na recovery ng dating player.

Ang 53 anyos na si Asaytono ay na-confine sa ICU ng isang ospital sa General Trias City.

Nakalabas din naman ito ng pagamutan noong Sabado at nagpapagaling na sa bahay.

 

 

Read more...