City Gov’t ng Maynila may kakayahan nang magsagawa ng mass testing sa COVID-19
Mayroon nang kakayahan ang City Government ng Maynila na makapagsagawa ng mahigit isang libong COVID-19 swab tests linggu-linggo.
Itinalaga ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila City Health officer Dr. Arnold Pangan para pamunuan ang localized mass testing operations.
Mayroong mga pasilidad sa lungsod na kayang makapagsagawa ng 232 COVID-19 swab tests kada araw o 1,624 kada linggo.
Kabilang sa mga pasilidad ang mga sumusunod:
MHD — 50 tests/day
Ospital ng Maynila — 20 tests/day
Sta. Ana Hospital/MIDCC — 30 tests/day
GABMMC — 50 tests/day
Ospital ng Tondo — 17 tests/day
Justice Jose Abad Santos General Hospital — 15 tests/day
Ospital ng Sampaloc — 50 tests/day
Ayon kay Moreno, ang mga kukuhaning swab samples ay dadalhin sa UP-PGH at ito ang maglalabas ng resulta.
Nangako aniya si Dr. Gap Legaspi, UP-PGH Director, na kayang mailabas ang resulta sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.