US nangunguna na sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 06:20 AM

Ang Estados Unidos na ang nangunguna sa mga bansa sa mundo sa mayroong pinakamaraming bilang ng ng nasawi at maging sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos na mahigitan na ng US ang death toll ng Italy.

Sa pinakahuling datos, ang US ay mayroon nang mahigit 21,950 na death toll.

Sa magdamag ay nakapagtala ito ng mahigit 1,300 na nasawi dahil sa COVID-19.

Ang Italy ay mayroon namang mahigit 19,800 na nasawi, habang ang isa pang bansa Europe na Spain ay mayroong 17,113 na deatht toll.

Sa magdamag ay nakapagtala ang US ng mahigit 24,300 na kaso.

Dahil dito mahigit 557,200 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa US.

TAGS: covid cases, covid death, Health, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, covid cases, covid death, Health, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.