Pilipinas mayroon nang 15 COVID-19 testing centers
Labinglima na ang operational na COVID-19 testing centers sa bansa.
Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga ospital na nabigyan ng accreditation kamakailan ay ang St. Luke’s Medical Center sa Quezon City; V. Luna Hospital, The Medical City, Makati Medical Center at ang Molecular Diagnostics Laboratory.
Sinabi ni Galvez na ang nasabing mga pasilidad ay makatutulong para mapabilis at mapalawak ang kakayahan ng bansa na makapag-test at matukoy ang COVID-19 patients upang sila ay mabigyan agad ng karampatang medical treatment.
Ang mga testing centers na nauna nang may accreditation mula sa Department of Health (DOH) para makapagsagawa ng COVID-19 testing ay ang:
– RITM
– San Lazaro
– UP National Institute of Health
– Lung Center of the Philippines
– Baguio General Hospital
– Medical Center Baguio
– Western Visayas Medical Center
– Vicente Sotto Medical Center
– Southern Philippines Medical Center
– Bicol Public Health Laboratory
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.