‘Walang sense of urgency ang Korte Suprema’ -Drilon

DRILON / MAY 15, 2014 Senate President Franklin Drilon reacts during a press conference held at Senate lounge, Thursday , May 15, 2014 INQUIRER PHOTO/ JOAN BONDOC
INQUIRER PHOTO/ JOAN BONDOC

Hindi napigilan ni Senate President Franklin Drilon na banatan na ang Korte Suprema sa umano’y mabagal na pagdedesisyon nito sa disqualification case laban kay Presidential Aspirant Sen. Grace Poe.

Ayon kay Drilon, hindi siya masaya sa kawalan umano ng sense of urgency ng Supreme Court lalo na at hindi ordinaryong kaso ang kay Poe na malaki umano ang epekto sa mga susunod na panahon.

Dahil dito, umapela si Drilon sa SC na magsagawa ng marathon hearing sa kaso ni Poe.

Hindi umano sapat na magkaroon lamang ng argument ang Korte Suprema isang beses sa loob ng isang linggo.

Pinaliwanag pa ni Drilon na kailangan umano ng extra ordinary attention sa kaso ni Poe para maprotektahan umano ang integridad at kredibilidad ng May 2016 elections.

Read more...