PAGASA nakapagtala ng mainit na temperatura sa ilang lugar sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 05:42 AM

Maalinsangang panahon pa rin ang naranasan kahapon April 12 sa maraming lugar sa bansa.

Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 38 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

General Santos City – 37.0 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.3 degrees Celsius
San Jose Occidental Mindoro – 36.3 degrees Celsius
Tuguegarao City – 36.1 degrees Celsius

Payo naman ng PAGASA sa publiko ngayong mainit ang panahon ay palagiang uminom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon.

 

 

TAGS: Cotabato City, heat index, highest temperature, Pagasa, weather, Cotabato City, heat index, highest temperature, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.