Comelec may panibago na namang problema

By Chona Yu February 10, 2016 - 05:52 PM

comelec bldgMay panibago na namang problema na kinakaharap ngayon ang Commission on Elections para sa paghahanda sa May 9 elections.

Ito ay matapos hindi tanggapin ng Vote Counting Machines ang mga balota.

Sa isinagawang ballot verification procedure sa National Printing Office (NPO) para sa pag testing sa VCMs, 50,000 na balota ang isinubo sa makina pero limang daan hanggang isang libo o isa hanggang dalawang porsyento ang hindi tinanggap.

Ito umano ay dahil sa nakitang talsik ng tinta sa mga nasabing balota.

Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, posibleng ang problema ay dahil self diagnostic feature ng makina kung saan nagiging sensitibo ang VCM sa mga stray mark.

Idinagdag ang nasabing feature sa makina para maiwasan ang pagsulpot ng digital line na naranasan noong 2013 elections kung saan ang stray marks sa ilang balota ay lumikha ng linya sa electronic image ng balota at nagresulta sa electronic dagdag-bawas.

Para matugunan ang problema, tatlo ang mga pinagpilian ng Comelec.

Una, huwag nang gamitin ang self diagnostic feature ng VCM; ikalawa, palitan ang sensitivity threshold ng self diagnostic feature at ikatlo, mag-imprenta ng karagdagang balota.

Ayon kay Bautista, pinili nila ang ikalawang option dahil ang self diagnostic feature ng makina ay mahalaga para maiwasan ang problema ng digital line.

Dahil dito, kinakailangan umanong magsagawa ng tinatawag na retrusted build para maiprograma ang gagawing pagbabago sa sensitivity ng self diagnostic feature ng makina.

TAGS: 2016 elections, VCM, 2016 elections, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.