Bilang ng Filipino na nasawi dahil sa COVID-19 sa abroad, umakyat na sa 84 – DFA
Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 12, nasa 654 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 40 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 382 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 188 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Umakyat naman sa 84 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 226 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 220 na kaso, Middle East/Africa na may 83 na kaso habang ang Americas naman ay may 125 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.