Pulis, sundalo ipakakalat na sa mga palengke – IATF

Photo grab from PCOO Facebook video

Magpapakalat na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ng mga pulis at sundalo sa mga palengke para magpatupad ng social distancing sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Pahayag ito ng IATF matapos unang maiulat sa Radyo Inquirer noong Miyerkukes Santo na dagsa pa rin ang mga mamimili sa Balintawak Market sa Quezon City.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, makakatuwang ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

“The other method is kailangan gagawa po tayo ng joint social distancing teams made up of joint forces ng AFP pati PNP na idi-deploy natin sa mga public markets at doon sa mga palengke na maaring magkaroon ng the same as what happened in Balintawak para sila po iyong mag-enforce ng strict social distancing measures. And then of course, kailangan dito na kasama namin sa pag-implement at pag-enforce nito iyong mga LGUs. So it will be a joint team made up of AFP, PNP with the assistance ng ating mga LGUs,” pahayag ni Nograles.

Lalagyan na rin aniya ng sistema ang Balintawak market kung saan ipatutupad ang ‘one-entry, one-exit’ para mas makontrol ang mga lalabas at papasok.

Wholesale at wala na ang retail market sa Balintawak.

Balikan ang ulat ni Chona Yu:

Read more...