Ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:06 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan at Laguna.

Iiral din ang nasabing lagay ng panahon sa Tagaytay at Mendez sa Cavite; Pader Garcia, Lipa at Rosario sa Batangas; Sariaya, Dolores, Tiaong, San Antonio at Candelaria sa Quezon.

Maliban dito, uulanin din ang bahagi ng Arayat, Mabalacat, Angeles City, Porac, Bacolor, San Francisco at Mexico sa Pampanga.

Sinabi ng weather bureau na inaasahang mararanasan ang pag-ulan sa loob ng susunod na dalawang oras.

Payo ng PAGASA, maging maingat sa posible nitong idulot na pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...