Pagsunod sa panuntunan sa pag-cremate ng COVID-19 patients na nasawi, ipinag-utos ng IATF sa LGUs
Inatasan ng Inter Agency Task Force on Infectious Diseases ang local government units (LGUs) na sundin ang panuntunan na i-cremate kaagad sa loob ng 12 oras ang mga pasyenteng namamatay dahil sa COVID-19.
Pahayag ito ng IATF matapos maiulat na tambak na ang mga bangkay sa isang ospital sa Quezon City.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, hahanapan ng solusyon ng pamahalaan ang pagbabayad sa cremation pati na ang pagproseso sa mga kaukulang dokumento.
Pinagsusumikapan aniya ng pamahalaan na tuluyan nang mapuksa ang problema sa COVID-19.
Una nang ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang agarang pag-cremate sa mga bangkay para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Binibigyan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig P25,000 na ayuda ang mga pamilyang namamatayan dahil sa COVID-19.
“Ang isa pang naging delay iyong kailangan pa daw ng papeles, mga death certificate, etcetera, etcetera. So may mga ganiyan klaseng mga instances din po. So ang bottom line, ang napagkasunduan ng Gabinete is we must stick to the 12-hour rule pagdating sa cremation. Everything else – papeles, bayad, lahat iyan can be solved. Those are problems that can be solved at mahanapan natin ng solusyon,” ani Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.