DOLE umapela sa mga kumpanya ng tuloy-sahod

By Angellic Jordan April 12, 2020 - 03:37 PM

Inihirit ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga malalaking negosyo na patuloy na pasuwelduhin ang kanilang mga empleyado at manggagawa sa kabila nang hindi pagpasok sa trabaho.

Ginawa ni Bello ang apela matapos palawigin ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa April 30.

“I once again knock in the kind hearts of our employers, especially the conglomerates and big businesses. Please extend further your generosity to your employees and workers. Your good-heartedness and compassion is a great help to the government,” hirit ng kalihim.

Nabatid na higit sa isang milyong displaced workers ang naitala ng DOLE simula nang ipatupad ang enhanced community lockdown sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila.

Nagresulta ang ECQ sa pansamantalang pagsasara ng mga negosyo, maliit man at malaki.

May ilang negosyo naman ang nagpatupad ng work from home sa kanilang mga empleyado.

TAGS: COVID-19, DOLE, enhanced community quarantine, Sec. Silvestre Bello III, COVID-19, DOLE, enhanced community quarantine, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.