Umabot na sa mahigit 6,000 ang personal protective equipment (PPE) shipments ang nai-release sa bansa.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nasa 6,600 PPE shipments ang nai-release sa Pilipinas.
Sa araw ng Sabado, April 11, 290 ang nai-release ng ahensya.
Naiproseso ang mga shipment sa NAIA, Cebu at Clark.
Matatandaang sinimulan ng BOC noong March 9 ang same-day release para mabilis na maipamahagi sa mga ospital at iba pang ahensya ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.