Bilang ng COVID-19 cases sa Bicol region, nasa 18 na

By Angellic Jordan April 12, 2020 - 12:08 PM

Nadagdagan ng isa ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol region.

Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) Bicol, tinamaan ng virus ang 28-anyos na babae sa Albay.

Nagkaroon ang pasyente ng exposure sa isa pang positibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa ngayon, naka-confine na ang pasyente sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Ito na ang ika-18 kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.

Muli namang nagpaalala ang DOH CHD – Bicol sa mga residente na sundin ang social distancing kahit nasa loob ng bahay.

TAGS: Bicol Regional Training and Teaching Hospital, COVID-19, DOH CHD Bicol, Bicol Regional Training and Teaching Hospital, COVID-19, DOH CHD Bicol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.