Ilang PCG personnel, naglaan ng bahagi ng sweldo para mamahagi ng relief supplies sa Palawan
By Angellic Jordan April 12, 2020 - 11:08 AM
Namahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) ng relief supplies sa mga apektado ng enhanced community quarantine sa Palawan, araw ng Sabado (April 11).
Ayon sa PCG, ipinamahagi ang relief supplies tulad ng bigas sa mga residente sa Barangay Bancao-Bancao sa Puerto Prinsesa City.
Para maisagawa ito, naglaan ang ilang tauhan ng PCG ng bahagi ng kanilang sweldo.
Inikot ng PCG ang ilang bahagi ng barangay para maiabot ang tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.