Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2020 - 07:53 AM
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Sarangani aa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala alas 4:23 ng umaga ng Linggo, Apr. 12.
May lalim na 14 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 352 kilometers southeast ng Sarangani.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.