Isa pang “Kubol Hotel” sa loob ng bilibid, giniba
Giniba ng Bureau of Corrections (Bucor) ang isa pang kubol hotel sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Sa ika-labingpitong Oplan Galugad ay nakakumpiska pa rin ang Bucor ng iba’t ibang kontrabando sa bilangguan.
Nabatid na ang VIP structure sa loob ng NBP compound ay pag-aari umano ng isang dayuhang inmate.
Ang ginibang dalawang palapag na “Kubol Hotel” ay espesyal na lugar na may amenities para sa ginhawa at kasiyahan ng ilan pang maipluwensyang preso.
Nakumpiska naman sa raid ngayong Miyerkules ang mga DVD, DVD players at ilan pang iligal na gamit.
Ginagawa ng Bucor ang serye ng raid sa loob ng NBP maximum security compound para tanggalin ang mga iligal na aktibidad sa kulungan.
Ang mga unang raid ay nagresulta sa pagkakasabat ng mga droga, iba’t-ibang gadgets kabilang ang mobile phones at chargers, armas at ibang bawal na kagamitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.