US nakapagtala ng mahigit 2,000 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ang Estados Unidos ng mahigit 2,000 nasawi sa COVID-19.

Ang US ang unang bansa na nagkaroon ng mahigit sa 2,000 bilang ng nasawi sa magdamag dahil sa nasabing sakit.

Sa datos ng Johns Hopkins University 2,108 ang nadagdag sa mga nasawi sa US.

Mayroon nang 18,586 na nasawi sa US at kaunti na lang ay malalampasan na nito ang death toll sa Italy na 18,849.

Nasa kalahating milyon na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa US.

Sa magdamag kasi ay nakapagtala ng mahigit 33,000 na bagong kaso ng sakit.

Read more...