Kaso ng COVID-19 sa bansa 4,195 na

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2020 - 04:36 PM

Nakapagtala pa ng dagdag na 119 na kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH) sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa datos mula sa DOH, umabot na sa 4,195 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mayroon namang 16 na bagong naka-recover sa sakit, kaya umakyat na sa 140 ang bilang ng gumaling.

Habang nakapagtala ng 18 panibagong bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan ay mayroon nang 221 na nasawi sa COVID-19 sa bansa.

TAGS: covid patients, COVID-19, doh, new covid cases, covid patients, COVID-19, doh, new covid cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.