P25B na loan ng Pilipinas para sa COVID-19 response inaprubahan ng World Bank

Inaprubahan ng board of executive directors ng World Bank ang $500 million o P25 billion na loan ng Pilipinas para sa COVID-19 response.

Ito ang ikatlong Risk Management Development Policy Loan para sa Pilipinas.

May una nang P5 billion na initial loan ang Pilipinas na inaprubahan ng World Bank.

Una ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang Pilipinas ay hihiram ng hanggang $5.6 billion mula sa international agencies para matugunan ang krisis ng COVID-19 sa bansa.

Read more...