Quarantine facility sa PICC natapos na

Natapos na ang pagtatayo ng quarantine facility sa PICC.

Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, mas mabilis ng tatlong araw ang pagtatapos ng naturang pasilidad.

Nakatakda nang iturnover sa medical corps ng Philippine National Police (PNP) ang quarantine facility.

Ang mga cubicle na paglalagakan sa mga pasyente ay color coded depende sa kung ano ang kanilang kondisyon.

Mayroon din itong 48 shower rooms at bawat shower rooms ay may shower heater.

Read more...