PAGASA nakapagtala ng mainit na temperatura sa ilang lugar sa bansa kahapon
Nakapagtala ang PAGASA ng mainit na temperatura sa ilang mga lugar sa bansa kahapon, April 9.
Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 36.9 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Sangley Point, Cavite City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
San Jose, Occidental Mindoro – 35.8 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac City – 35.2 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 35. 1 degrees Celsius
Cotabato City – 35.0 degrees Celsius
Tuguegarao City – 35.0 degrees Celsius
Bahagya namang bumaba ang naitalang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot lang sa 32.2 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 35 degrees Celsius ganap na alas 3:50 ng hapon.
Payo naman ng PAGASA sa publiko ngayong mainit ang panahon, dalasan ang pag-inom ng tubig, magsuot ng light-colored na damit, at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.