Kabilang sa mga mangangampanya laban kay Cayetano ang mga senatoriables na sina Sandra Cam, Retired General Dionisio Santiago, Greco Belgica at Ding Diaz.
Nanggagaliiting sinabi ni Cam na hinarang sila ng mga tauhan ni Cayetano na makaakyat kagabi sa entablado para sa proklamasyon ng Duterte-Cayetano tandem sa Tondo, Manila.
Bukod sa apat, hindi rin pinaakyat sa entablado kagabi ang sina Dante Liban at Raffy Alunan kung kaya hindi sila nakapaglatag ng kani kanilang mga plataporma.
Paliwanag ni Cam, paano nila ikakampanya si Cayetano kung “hindi ito marunong magbigay ng respeto sa kapwa”.
Sinisiguro pa ni Cam na ngayong nasa ilalim ng mga survey si Cayetano, ay lalo pa nila itong ibabaon at ikakampanya sa taong bayan na huwag siyang iboto.
Nilinaw naman ni Cam na patuloy ang kanilang pagsuporta at pangangampanya para kay Duterte.
Nakadidismaya ayon kay Cam dahil personal na ‘handpick’ sila ni Duterte subalit hinarang naman sila ng mga tauhan ni Cayetano.