Kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 4,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2020 - 05:14 PM

Nakapagtala pa ng 206 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).

Sa huling datos ng DOH, umakyat na sa 4,076 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ng 28 na bagong naka-recover sa sakit kaya sa kabuuan 124 na ang mga pasyenteng gumaling.

Habang mayroong 21 na nadagdag sa bilang ng mga pumanaw.

Ayon sa DOH, 203 na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa.

TAGS: covid patients, COVID-19, department of health, number of cases, covid patients, COVID-19, department of health, number of cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.