Ayon sa abiso ng DOH, hindi muna maa-access ng publiko ang online tracker hanggang sa April 11, Sabado de Gloria.
Habang sumasailalim sa maintenance ay kinukumpleto ng DOH ang pag-encode ng backlogs ng cases sa buong bansa para matiyak ang pagbibigay ng tama at kumpletong impormasyon ng COVID-19 tracker.
Sa Linggo, April 12 ay muling ilulunsad ang tracker na mayrrong updated na graphs at charts.
Tiniyak naman ng DOH na tuloy ang paglalabas nila ng araw-araw na update sa bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES