COVID-19 tracker ng DOH hindi muna magagamit hanggang April 11

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2020 - 03:44 PM

Sumasailalim sa maintenance ang COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH).

Ayon sa abiso ng DOH, hindi muna maa-access ng publiko ang online tracker hanggang sa April 11, Sabado de Gloria.

Habang sumasailalim sa maintenance ay kinukumpleto ng DOH ang pag-encode ng backlogs ng cases sa buong bansa para matiyak ang pagbibigay ng tama at kumpletong impormasyon ng COVID-19 tracker.

Sa Linggo, April 12 ay muling ilulunsad ang tracker na mayrrong updated na graphs at charts.

Tiniyak naman ng DOH na tuloy ang paglalabas nila ng araw-araw na update sa bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

TAGS: COVID-19, doh, ncov tracker, COVID-19, doh, ncov tracker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.