DICT maglalagay ng libreng Wi-Fi sa mahigit 30 COVID-19 facilities

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2020 - 02:59 PM

AFP photo
Maglalagay ng libreng Wi-Fi connection ang Department of Information Communications and Technology (DICT) sa mahigit 30 COVID-19 monitoring and control centers.

Kabilang sa lalagyan ng W-Fi connections ang quarantine areas at lodging areas para sa frontliners.

Ayon sa DICT, ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga frontliner at mga pasyente na magkaroon ng komunikasyon sa kanilang pamilya.

Kasama sa lalagyan ng libreng Wi-Fi-ang Ninoy Aquino Stadium (RMSC) sa Maynila; Leyte Provincial Emergency Operations Center sa Palo, Leyte; COVID-19 Center for Central Visayas sa Sacred Heart School–Ateneo de Cebu; at Incident Command Post/Inter-Agency Task Force (IATF) against COVID-19 sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang limang accredited COVID-19 testing centers sa buong bansa ay mayroon nang access sa free Wi-Fi.

Ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City, San Lazaro Hospital sa Maynila, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, Lung Center of the Philippines sa Quezon City, at Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.

TAGS: free wifi, frontliners, tagalog news website, wifi connections, free wifi, frontliners, tagalog news website, wifi connections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.